One day, Erap sees Pres. Ramos reading a book on logic. . .
Erap : Fidel, mahirap yata iyang binabasa mong libro.
Ramos : Hindi, logic lang ito, madali lang.
Erap : Ano ba yang logic na yan, hindi ko yata alam yan.
Ramos : Ganito lang yan, may aquarium ka ba sa bahay?
Erap : Oo.
Ramos : Kung may aquarium ka, eh di mahilig ka sa isda.
Erap : Oo.
Ramos : At kung mahilig ka sa isda, mahilig ka rin sa dagat.
Erap: Oo.
Ramos : Eh di kung mahilig ka sa dagat, gusto mo pumupunta sa beach.
Erap : Oo.
Ramos : At kung mahilig kang pumunta sa beach, mahilig ka sa babaeng naka-bathing suit.
Erap : Oo.
Ramos : Eh kung mahilig ka sa mga seksing babaeng naka-bathing suit, eh di lalakeng-lalaki ka.
Erap : Oo.
Ramos : Eh kung lalakeng - lalaki ka, eh di siga ka.
Erap : Oo.
Ramos : Kita mo na na, ganyan lang ang logic!
Erap : Okey pala yang logic na yan, ah!
The following day, Erap sees Maceda in the Senate. . .
Erap : Pare, Maceda, susubukan ko lang itong tinuro sa aking logic ni Ramos.
Maceda : Sige nga!
Erap : May aquarium ka ba sa bahay?
Maceda : Wala.
Erap : BAKLA! BAKLA! BAKLA!
![]() |
![]() |
![]() |